-80
Days
left
'til change.
You are here: Home Vision Adhikain

NericAcosta2010.com

Adhikain

E-mail Print PDF

Lipad Pinoy


Ang Lipad Pinoy ay isang panawagan upang muli nating buhayin at yakapin ang likas na kabutihan at kagalingan ng bawat Pilipino.  Sa pamamagitan ng Lipad Pinoy,  muling lilikhain ang isang kamalayang maka-Pilipino na ipinagmamalaki ang ating lahi at nagnananais na  bumuo ng isang marangal na bansa.  Ang Lipad Pinoy ay isang daan upang pag-isahin ang isang bayang may kakayahan at karangalang sumabay sa mga hamong nagmumula kaninuman at saanman.

Sa mahabang panahon,  iminulat tayo sa isang kamalayan kung saan natuto tayong  makontento  sa kaisipang “na lang.” Nilagyan ng limitasyon ang ating maaabot at mararating. Kahit na nagkaroon ng isang sistemang demokratiko sa ating bansa,  hindi pinansin ng mga sumakop at namuno sa  ating bayan ang tinig nating mga ordinaryong mamamayan. Dahil dito,  hindi nalinang ang  kabutihan at kagalingan na likas sa bawat Pilipino.

Isinulat ni Francisco Balagtas ang katotohanang ito sa kanyang Florante at Laura, kung saan sinabi niya:  “sa loob ng bayan kong sawi, kaliluha’y siyang nangyayaring hari...ang kagalinga’t bait ay nalulugami, inilibing sa dusa at pighati.” (Inside my suffering country, treachery is king, excellence and goodness are weakened and buried in anguish and misery)  Naging gabay nina Rizal at ng iba pa nating mga bayani ang saloobing ito ni Balagtas.  Dahil sa inspirasyong dulot nito, hinikayat tayo ng ating mga bayani na ipaglaban kung ano ang mabuti at tama, na maniwala sa likas nating kabutihan at kagalingan, at magtiwala sa ating kakayahan na isabuhay at ipagdiwang ang ating buti at galing bilang mga Pinoy.

Sa makabagong panahon at sa dala nitong hamon,  kinakailangang likhain at buhaying muli ang ang pag-asa at karangalang likas sa atin at karapatang nasa sa atin.  Ngayon higit kailanman, kailangan nating muling panindigan, at ipaglaban ang ating karangalan bilang mga Pilipino, lalong-lalo na sa harap ng  laganap na kataksilan, kahirapan, at kasawiang-palad.

Kinakatawan ng makulay na saranggola na siyang tanda ng Lipad Pinoy ang ating  sa ating mga pangarap  at adhikain tungo sa isang magandang bukas; ang ating natatagong lakas;  ang ating pagpapalipad sa ating likas na kagalingan at kabutihan.  Kinakatawan din ng saranggola na ito ang ating pinag-isang lakas at pagsisikap na  makalikha mula sa mga payak na gamit at katutubong kakayahan at yaman, at ang paliparin at pananatilihin ito sa himpapawarin, ang saranggola ng ating mga pangarap at adhikain.

Ipinagdiriwang ng Lipad Pinoy ang mga mahahalagang katangian tulad ng katapatan, karangalan, paggalang sa sarili, paglilingkod, pakikipag-kapwa tao at pag-ibig sa bayan –  Nais  ng Lipad Pinoy na palakasin at pagtibayin ang diwa ng pag-asa. Layunin din nito na himukin ang bawat Pilipino na makilahok at makibahagi sa dakilang gampanin ng pagbuo sa bayan ng ating pangarap, sa bayang ating pinapangarap.  Hinihikayat tayo ng Lipad Pinoy na kumilos para sa bayan.  Sinasamahan tayo ng Lipad Pinoy sa ating paglipad bilang isang sambayanan.

Lipad Pinoy! Gawin Natin. Kaya Natin.

 

Teacher Neric Gallery

Featured Video


More Videos

Like it? Share it!

Updates





Visit The LOBBYiST for more articles.

Liberal Party

The official website of the Liberal Party.

NoynoyAquino.ph

The Official Website of Sen. Noynoy Aquino III

MarRoxas.com

The official website of Sen. Mar Roxas.

Volunteer for Noy's Campaign

Volunteer for Noynoy Aquino's campaign.