Labindalawa lang ang upuan na mababakante sa Senado sa susunod na
taon pero umaabot ng 58 ang mag-aagawan sa silyang babakantehin ng 12 senador na ang ilan ay magtatangkang balikan ang kanilang silya sa Mataas na Kapulungan.
Kabilang na sa mga magtatangka na makakuha ng isang upuan ay si dating Bukidnon First District Congressman Nereous ‘Neric’ Acosta na kasalukuyang vice president ng Liberal Party of the Philippines for Mindanao at Secretary General ng Liberal Party (LP) na partidong magtatangkang magdala kay Sen. Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa Malacañang sa 2010.



























