-80
Days
left
'til change.
You are here: Home Neric Articles

NericAcosta2010.com

Articles

Tama na ang korupsyon! ni Neric Acosta

E-mail Print PDF

Napabalita kamakailan ang pagsasampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong tax evasion o hindi pagbabayad ng tamang buwis sa negosyanteng si William Villarica, may-ari ng tanyag na Villarica Pawnshop na nakikita natin sa iba’t ibang bayan. Diumano, sa loob ng halos sampung taon mula 1998-2009, nagbayad lamang si Villarica ng halagang P25,600 na buwis. Ayon pa sa BIR, noong taong 2007 ay hindi pa diumano ito nagbayad ng takdang buwis, ganoong nakabili diumano ito ng mga mamahaling sasakyan tulad ng Lamborghini na may halagang 26 na milyong piso.

Kulang din daw, dagdag pa ng BIR, ang buwis na ibinayad ni Villarica upang maipasok sa bansa ang kanyang Lamborghini. Kapag napatunayang nagkasala, ang maysala ay maaaring mahatulan ng hindi hihigit sa 10 taong pagkakabilanggo.

Ang pagsasampa ng kasong ito laban kay Villarica ay isang magandang patunay na seryoso ang pamahalaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa paglaban sa korupsyon. Kung ating babalikan ang kanyang naging kampanya noong nakaraang halalan, naging slogan niya ang mga katagang “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Bukod pa dito, kanyang inulit sa kanyang talumpati noong kanyang inagurasyon na ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya at hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi. Nasa panahon na tayo ng pagkilos at ang mga slogan noong kampanya, ngayon ay binibigyang buhay na.

Walang duda na talamak na ang suliranin ng korupsyon sa ating bayan. Sa mga pag-aaral na naisagawa na tungkol dito, sinasabing ang korupsyon ay bahagi na ng ating kultura kaya nagkaroon na tayo ng iba’t ibang bansag dito, tulad ng tong, tongpats, lagay, under the table, ACDC (attack-collect, defend-collect), abogado, areglo, zero-zero. Maging ang ating mga dating pangulo at mga pambansang bayani ay hindi iginalang ng kalakarang ito. Halimbawa, kung tatanungin ka ng isang tiwaling opisyal na “Sino ang abogado mo?,” maaari mong sabihin na Manuel Roxas kung 100 piso ang lagay mo, Diosdado Macapagal kung 200 piso at Ninoy Aquino kung 500 piso, dahil mga larawan nila ang nakalagay sa mga perang ito. Sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2006 ng Center for People Empowerment and Governance (CenPEG), nakabuo sila ng isang diksyunaryo ng 400 salita na ginagamit para ikubli ang kalakarang ito. Tinawag nila itong “Corruptionary” at ito ay tanda na buhay na buhay nga talaga ang bulok na sistemang ito.

Subalit ang ‘paglalagay’ ay isa lamang uri ng korupsyon na kinakaharap nating mga ordinaryong mamamayan. Sa mga nagdaang panahon ay may nasaksihan tayong mga eskandalo at alegasyon na talaga namang napapailing tayo at nasasabi natin ang salitang “garapal.” Ito ang uri ng korupsyon na nakikita natin sa mga nasa itaas, o sa mga taong nasa katungkulan, na talagang walang pasubaling ginagamit ang kaban ng bayan para sa personal na pakikinabang. Sabi nga ng taxi driver na nakausap ko kamakailan ng mapag-usapan namin ang ilang mga kontrobersyal na opisyal, “Naubusan na ako ng salita para ilarawan ang mga kapalmuks na ‘yan.” Kapag kasi naririnig natin ang malalaking halaga na nawawala dahil sa korupsyon, agad nating naiisip ang kung ano ang maaaring magawa ng nakurakot na perang iyon para sa ating bayan: Ilang silid-aralan, ilang pagamutang-bayan, ilang kalsada, ilang pabahay, ilang sistema ng irigasyon ang dapat sanang napaggamitan nito, at ilang pamilya ang dapat sana ay nakinabang dito.

Walang wangwang. Walang counter flow. Walang tong. Bakit nga ba napakalakas ng dating ng mga katagang ito ni P-Noy, na kung susuriin naman ay parang mababaw lamang? Simple lang. Ito ay dahil talaga namang galit at pagod na ang taong bayan sa pang-aabuso, pagiging arogante, pangungurakot at sa sari-saring kagarapalan na nasaksihan natin na talaga namang nakaka-insulto sa kabutihan at kagalingan nating mga Pilipino.

Sa usapin ng buwis na diumano ay hindi binayaran at sa mamamahaling sasakyan na naipasok ni Villarica sa bansa, ang akusado dito ay hindi lamang siya, kundi maging ang mga kawani ng pamahalaan na maaaring nagpalusot sa kanya. Kung mapapatunayang guilty nga siya, tila higit na mas guilty at talaga namang dapat papanagutin, ang mga kawani na nakilahok sa ganitong kalakaran. Wika nga, “It takes two to tango.” Sa kahit na anong kalakaran, palaging may dalawang partidong may pananagutan, kaya habang tinutugis ang mga hindi nagbabayad ng tamang buwis, dapat ding tugisin ang mga taong hindi dapat pumayag na sila ay palusutin. Tama na ang korupsyon! Kayang isipin, kayang gawin!
 

Noynoy!

E-mail Print PDF

Noynoy! Noynoy! People of all ages shriek and howl his name as they reach out for the now ubiquitous yellow wristbands from a convoy of trucks and sundry vehicles festooned with yellow ribbons that meander through narrow streets.   This is now a typical scene—from Tuguegarao to Davao, from Cebu to Albay -- that has marked an extraordinary campaign that is largely people-powered, even as it goes through the mundane and rambunctious rituals of Philippine elections – rallies, caucuses, blaring jingles, and of late, frenzied advertising in mass media.

From a truck on a motorcade or onstage facing a massive crowd, Noynoy cuts a figure that Time magazine describes as “more an abashed computer nerd than the brash, swaggering politician that has become stock-in-trade in the Philippines.” But here is a self-effacing frontrunner drawing the multitudes like a rock star, half-a-century old, son of iconic figures directly tied with Philippine democracy, who only eight months ago was absent from the radar screen of the 2010 presidential race. 

As senatorial candidate of the Liberal Party, I am direct witness to the unfolding of a compelling narrative of hope in a political landscape of cynicism and widespread corruption.  In engaging people from all walks of life across this vast archipelago, it is hard not to wax lyrical about what it is that we see and experience on the campaign trail.  Noynoy, like his mother in 1986, transformed quickly from reluctant candidate to committed warrior, embracing the call of a people with the steadfastness of moral duty.

Noynoy, as he himself claims, is not a messianic leader by any means.  But in this critical juncture of a country’s history, he embodies a people’s yearning for decency and honesty in government.   Crowds excitedly gather and thicken everywhere he goes, waiting for him to speak, wanting to connect with him or the history of sacrifice for country his family has come to be associated with. 

In a body politic grown weary with selfish leaders and corrupted institutions, the elections of 2010 cries out for a return to trust – to leadership “na hindi magnanakaw at magsisinungaling.” Sociologist Randy David says that this central theme of ‘character’ more than ‘competence’ in this year’s elections only reflects the primacy people place on personal qualities of trustworthiness and sincerity because our institutions are weak – or further abused by self-seeking politicians.

Those who scoff at lack of experience or emphasize competence, or deride sentimentalism in politics, perhaps fail to read the public pulse well.  Noynoy is where he is at now because he exemplifies what a philosopher once said about transformative leadership: that the one who most deserves to wield power is the one who least seeks or desires it.  If there is one thing I am most proud about to be part of Noynoy’s team, it is that he comports himself with “Ghandian simplicity” and inspires with an honesty that shines through even when he speaks before mammoth crowds.

We do not labor under the illusion that in the event Noynoy becomes president the governing part will come easy.  A political scientist notes that in a country weighted down by a history of elitism, corruption and social violence, the Philippines is “not hospitable terrain for reformist leaders.” Over the decades public leadership have been characterized by the betrayal of the public trust – by leaders who lust after power and its trappings and resist far-reaching social reforms. 

But that is why this campaign returns us to the possibilities yet again for redress and renewal – to our higher selves as Filipinos.  President Cory’s death ushered this reawakening and Noynoy’s bearing the torch of EDSA tells us that democracy’s project is our continuing handiwork, owned by no less than the ordinary citizen – and not to be usurped or manipulated by any one in power or by any one institution, least of all the COMELEC.   

This country-changing journey is about children like ten-year old Bianca, who despite losing her possessions and family’s home to the ravages of Ondoy, handed her modest savings to Noynoy saying that instead of buying herself new school supplies, she would rather help him win so that he could be in a position to help millions of other children all over the country.  It is about scavengers in Payatas who added their ‘piso-piso’ to the pagbabago cans with the earnest plea for leaders to just do their job so that the poor get a fair shake in life. 

Across the breadth and length of the country, it is the ordinary folk who are voting for a new lease, for a redrafting of a social contract that simply restores balance and fairness in the running of government. In the spontaneous combustion of people who run up and reach out to Noynoy, the names they shriek and howl are, in the end, their own. In putting a stake in these elections, ordinary Filipinos are voting themselves back to democracy’s center-stage.

***

Neric Acosta, LP congressman of Bukidnon from 1998-2007, is professor at the Asian Institute of Management and Ateneo de Manila University and now Liberal Party senatorial candidate. 

 

Alex, Neric bare plans for Negros

E-mail Print PDF

Liberal Party senatorial candidates Alex Lacson and Neric Acosta yesterday bared their plans for Negros Occidental if elected in the May polls.

Acosta, a three-term congressman from Bukidnon and a staunch environment advocate, said he wants to ensure the protection of Western Visayas’ ecology.

 read more

 

Noy, Mar supporters unfazed, bets hit Villar big ad spending

E-mail Print PDF

Upbeat supporters of  presidential candidate Benigno “Noynoy” Aquino III and Liberal Party senatorial bets who gathered at their Bacolod headquarters yesterday remained confident of his victory in May, despite recent surveys showing Nacionalista Party standard bearer Manuel Villar catching up.

The voice of the volunteers all over the country will bring the survey ratings of Noynoy up and ensure his victory in May, Judy Araneta Roxas, mother of his runningmate Senator Mar Roxas, said.

 read more

 

Pananalig sa Pagbabago

E-mail Print PDF
“Paano ninyo magagarantiya na hindi kami muling mabibigo pagkatapos ng eleksyon?”

    Ito ang tanong sa amin ni Roselyn, isang mag-aaral sa Bicol, noong Hulyo. Isa siya sa mga nakilahok sa isang panayam doon ng Register & Vote Philippines, isang organisasyong aking kinabibilangan sampu nina Senador Kiko Pangilinan, Rep. Risa Hontiveros, atbp. na humihikayat sa kabataan na magparehistro at bumoto.

    Tinanong ko si Roselyn kung ano ang kanyang edad. Labing-pitong taong gulang. Napatingin ako kay Sen.Kiko, at hindi naitago ang aking pagkagulat. Wala pa man sa hustong edad para bumoto, bakas na kay Roselyn ang pagkadismaya sa ating pamahalaan.

    Nakakalungkot na realidad na napakaraming kagaya ni Roselyn sa ating mga kabataan,sa kabila ng katotohanang napakadali sanang baguhin ng kabataan ang takbo ng Pilipinas kung lahat ay makikilahok at pipili ng maingat at mahusay para sa mga lider ng bansa.

    Bilang propesor ng management sa Asian Institute of Management, naniniwala ako na ang pagbabalik ng tiwala at pag-usad ng ating bayan ay nakasalalay sa managerial skills o kakayahang mangasiwa ng ating mga lider. Ang management ay hango sa salitang Latin na manus na nangangahulugan ng paraan ng paggamit at paghahati-hati ng mga yaman at tao sa pinakaepisyente at epektibong paraan. Ito ang ating kailangan lalo na’t kapos tayo sa saganang yaman.

    Gayundin, napakahalaga ng good governance para makamit natin ang mga repormang ating inaasam. Ang governance o pamamahala ay nagmula naman sa salitang governeur, isang gamit na nagpapagana sa isang bagay. Kumbaga sa isang electric fan, ito ang motor sa likod na nagpapatakbo dito. Para tumakbo ng maayos ang ating bansa, kinakailangan na ang ating gobyerno ay umaandar ng maayos at kinakailangan din na ito ay matibay. 

    Higit sa lahat, para tayo ay tuluyang umunlad, kailangang may tiwala tayo sa ating mga lider. Ito ang pinakamahirap, ngunit pinakamahalagang susi sa ating pagbangon. Kung ihahambing sa isang kabahayan,kahit sagana man ito sa salapi, kung wala namang tiwala at pagmamahalan ay hindi pa rin ito magiging lubos na matagumpay.

    Ang ating pamahalaan ay may kakayanan dapat na maibalik ang tiwala ng mga mamamayan. Kailangan itong magsilbing inspirasyon sa mga tao, dapat nitong ipakita na nakikita man natin o hindi, ang ating pamahalaan ay gagawa lamang ng tama. Hindi magnanakaw, hindi manlilinlang, at magtratrabaho lamang ng lubos para sa bayan, hindi para sa sarili. Hindi tayo dapat maniwala na wala na tayong mahahanap na ganitong klaseng mga lider, dahil sa oras na itigil natin ang pananalig, doon lamang magsisimulang tunay na mawalan ng pag-asa ang Pilipinas.

    Sagot ko kay Roselyn, “Kung ikaw ba ay may kasintahan at minsan kang nabigo sa pag-ibig, nangangahulugan ba na hindi ka na muling susubok na magmahal? Paulit-ulit man tayong mabigo, dapat tayong maniwala. Wala naman talagang garantiya, maging ito man ay isang relasyon o sa pagpili ng mga lider. Pero ang kawalan ng garantiya ay hindi dahilan para tumigil tayong sumubok at tumaya. Sa pag-ibig, gaya ng sa pagmamalasakit sa bayan, kailangan natin ng tapang. Dahil sa huli, ang may tapang lang ang nagtatagumpay.”

 
  • «
  •  Start 
  •  Prev 
  •  1 
  •  2 
  •  3 
  •  Next 
  •  End 
  • »
Page 1 of 3

Teacher Neric Gallery

Featured Video


More Videos

Like it? Share it!

Updates





Visit The LOBBYiST for more articles.

Liberal Party

The official website of the Liberal Party.

NoynoyAquino.ph

The Official Website of Sen. Noynoy Aquino III

MarRoxas.com

The official website of Sen. Mar Roxas.

Volunteer for Noy's Campaign

Volunteer for Noynoy Aquino's campaign.