-80
Days
left
'til change.
You are here: Home

NericAcosta2010.com

Be a Volunteer

Jul23

Tama na ang korupsyon! ni Neric Acosta

Napabalita kamakailan ang pagsasampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong tax evasion o hindi pagbabayad ng tamang buwis sa negosyanteng si William Villarica, may-ari ng tanyag na Villarica Pawnshop na nakikita natin sa iba’t ibang bayan. Diumano, sa loob ng halos sampung taon mula 1998-2009, nagbayad lamang si Villarica ng halagang P25,600 na buwis. Ayon pa sa BIR, noong taong 2007 ay hindi pa diumano ito nagbayad ng takdang buwis, ganoong nakabili diumano ito ng mga mamahaling sasakyan tulad ng Lamborghini na may halagang 26 na milyong piso.

Kulang din daw, dagdag pa ng BIR, ang buwis na ibinayad ni Villarica upang maipasok sa bansa ang kanyang Lamborghini. Kapag napatunayang nagkasala, ang maysala ay maaaring mahatulan ng hindi hihigit sa 10 taong pagkakabilanggo.

Ang pagsasampa ng kasong ito laban kay Villarica ay isang magandang patunay na seryoso ang pamahalaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa paglaban sa korupsyon. Kung ating babalikan ang kanyang naging kampanya noong nakaraang halalan, naging slogan niya ang mga katagang “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Bukod pa dito, kanyang inulit sa kanyang talumpati noong kanyang inagurasyon na ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya at hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi. Nasa panahon na tayo ng pagkilos at ang mga slogan noong kampanya, ngayon ay binibigyang buhay na.

Walang duda na talamak na ang suliranin ng korupsyon sa ating bayan. Sa mga pag-aaral na naisagawa na tungkol dito, sinasabing ang korupsyon ay bahagi na ng ating kultura kaya nagkaroon na tayo ng iba’t ibang bansag dito, tulad ng tong, tongpats, lagay, under the table, ACDC (attack-collect, defend-collect), abogado, areglo, zero-zero. Maging ang ating mga dating pangulo at mga pambansang bayani ay hindi iginalang ng kalakarang ito. Halimbawa, kung tatanungin ka ng isang tiwaling opisyal na “Sino ang abogado mo?,” maaari mong sabihin na Manuel Roxas kung 100 piso ang lagay mo, Diosdado Macapagal kung 200 piso at Ninoy Aquino kung 500 piso, dahil mga larawan nila ang nakalagay sa mga perang ito. Sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2006 ng Center for People Empowerment and Governance (CenPEG), nakabuo sila ng isang diksyunaryo ng 400 salita na ginagamit para ikubli ang kalakarang ito. Tinawag nila itong “Corruptionary” at ito ay tanda na buhay na buhay nga talaga ang bulok na sistemang ito.

Subalit ang ‘paglalagay’ ay isa lamang uri ng korupsyon na kinakaharap nating mga ordinaryong mamamayan. Sa mga nagdaang panahon ay may nasaksihan tayong mga eskandalo at alegasyon na talaga namang napapailing tayo at nasasabi natin ang salitang “garapal.” Ito ang uri ng korupsyon na nakikita natin sa mga nasa itaas, o sa mga taong nasa katungkulan, na talagang walang pasubaling ginagamit ang kaban ng bayan para sa personal na pakikinabang. Sabi nga ng taxi driver na nakausap ko kamakailan ng mapag-usapan namin ang ilang mga kontrobersyal na opisyal, “Naubusan na ako ng salita para ilarawan ang mga kapalmuks na ‘yan.” Kapag kasi naririnig natin ang malalaking halaga na nawawala dahil sa korupsyon, agad nating naiisip ang kung ano ang maaaring magawa ng nakurakot na perang iyon para sa ating bayan: Ilang silid-aralan, ilang pagamutang-bayan, ilang kalsada, ilang pabahay, ilang sistema ng irigasyon ang dapat sanang napaggamitan nito, at ilang pamilya ang dapat sana ay nakinabang dito.

Walang wangwang. Walang counter flow. Walang tong. Bakit nga ba napakalakas ng dating ng mga katagang ito ni P-Noy, na kung susuriin naman ay parang mababaw lamang? Simple lang. Ito ay dahil talaga namang galit at pagod na ang taong bayan sa pang-aabuso, pagiging arogante, pangungurakot at sa sari-saring kagarapalan na nasaksihan natin na talaga namang nakaka-insulto sa kabutihan at kagalingan nating mga Pilipino.

Sa usapin ng buwis na diumano ay hindi binayaran at sa mamamahaling sasakyan na naipasok ni Villarica sa bansa, ang akusado dito ay hindi lamang siya, kundi maging ang mga kawani ng pamahalaan na maaaring nagpalusot sa kanya. Kung mapapatunayang guilty nga siya, tila higit na mas guilty at talaga namang dapat papanagutin, ang mga kawani na nakilahok sa ganitong kalakaran. Wika nga, “It takes two to tango.” Sa kahit na anong kalakaran, palaging may dalawang partidong may pananagutan, kaya habang tinutugis ang mga hindi nagbabayad ng tamang buwis, dapat ding tugisin ang mga taong hindi dapat pumayag na sila ay palusutin. Tama na ang korupsyon! Kayang isipin, kayang gawin!
 
Jul06

The Next 100 Days: Fighting the ‘Tyranny of the Urgent’ by Neric Acosta

An improbable presidential candidate only a year before, Benigno Simeon Aquino III, has ascended the pinnacle of power as the country’s 15th head of state.  In inauguration ceremonies marked by exuberant celebration of a people-powered campaign and pregnant with high hopes for the future, ‘P-Noy,’ the new president’s preferred appellation, signaled a dramatic departure from the preceding administration’s excesses.  “You are the boss,” he emphatically declared to a citizenry that gave him a landslide win in the May 10, 2010 elections.   No more special privileges for the powerful, full accountability of public officials, the determination to curb corruption, repair damaged institutions and restore social trust.   “We will learn to dream again” (“Maari na tayong mangarap muli”), the new president intoned as power was formally transferred by noon of June 30. 

The elections of 2010, after all, began with a hastily assembled campaign fueled largely by volunteer effort and the overriding public disdain for a scandal-plagued and legitimacy-challenged Arroyo regime. As the Noynoy phenomenon took the country by storm, following former President Cory Aquino’s death in August 2009, small towns and big cities yet again emptied themselves out to rally around a battlecry of change and the symbols and idioms of hope: the yellow ribbons that emerged everywhere, the “L” sign flashed as a defiant call to soldier on, the return to the meaning of Ninoy’s and Cory’s sacrifice.

The 2010 national campaign was largely about ‘people power’ expressed via the ballot – a movement for change masquerading as an electoral exercise, as one pundit put it.  People simply, perhaps even desperately, just wanted to believe in government and their leaders again.  In an earlier ‘piso-piso para sa pagbabago’ initiative, scavengers in Payatas,  the metropolis’ biggest dumpsite, sank into sundry donation cans what were hard-earned peso coins with the plea: “sana magpakatino lang ang mga nasa posisyon upang makaahon din kami.”   Such are simple hopes of the poor and all the other sectors who want the running of government to be fair and for leaders to be honest.In such aspirational terms, it was easy to campaign with the poetry of hope, and the ennobling language of change: landas ng pagbabago, tahakin ang daang matuwid, laban na tapat-laban ng lahat, kung walang kurap walang mahirap.  

Now that President Aquino III is chief executive of the Republic, he knows that these words of exhortation and encouragement meant to win hearts and minds will have to be matched with appreciable initiatives and clearly-laid out programs on a range of critical fronts: education, health, jobs, justice, food, anti-corruption, the environment, Mindanao. The ‘poetry of the campaign’ will give way to the sometimes crude, raw ‘prose of governing.’

Governing, all told, will entail making tough decisions, striking a balance between short-term pressing needs with longer-term imperatives for reform.  Almost everything will demand government’s immediate attention and every sector or constituency will have an advocacy or agenda to push.

After almost a decade of political turbulence, fixing government will mean fighting what historian Barbara Tuchman calls the “tyranny of the urgent.”  The capacity to govern, she argues, “is sapped by interlocking crises.”  Weighed down by present demands, government can hardly plan for the longer future.  Job creation to reduce poverty and spurring economic activity in the rural areas, for instance, will have to move along with restricting impacts on fragile or threatened ecosystems.

It becomes, therefore, just as important to manage rising public expectations that came with the election of Noynoy Aquino.  The people, especially the vast numbers of the poor, know there are no quick-fixes in solving problems.  As a key reform thrust, eradicating corruption, for example, that has become endemic in bureaucratic processes or in the overall dealing with government, will not happen overnight.  We can work to make incremental advances, and not necessarily seek total victories. The Aquino administration can set doable, practicable targets in the first three to six months – or the traditional hundred days – that will have high impact and serve notice that it is serious about its avowed push to make government functional as the people’s servant.For a start, government can work towards simplifying doing business with government and make the bureaucracy more ‘citizen-friendly.’ What may take several steps and labyrinthine, red-taped procedures to obtain various permits or begin projects could be cut into half – from, say, 40 signatures to 20, in a defined, shortened period – without comprising effective regulation or oversight.  This is what Colombia did a few years ago, when a new president was elected with a mandate to break the inertia of inaction or ineptitude in government’s service delivery functions. Government can show commitment to public health and environmental protection, as another example, by making the major thoroughfares like EDSA smoke belching-free.  Or engaging schools, youth and local governments to reforest with several thousand trees in the first three months at least five of the most critical watersheds in the country.  Government can establish a more structured round-the-clock feedback mechanism (a “political, e-democracy call center,” as it were) using all the tools of new media for citizens to be engaged, to hold officials accountable, or to seek redress or assistance.     There are numerous ways to make the renewed social contract, made formal with the election of Noynoy Aquino, work in the context of the ‘tyranny of the urgent’ – addressing pervasive social ills and dealing with the fierce political contestation of interests.  We just have to sustain what was started in the campaign, where Filipinos from all stations in life came out of their comfort zones and stood up to be heard and counted.And that we can all do – for a hundred days, or every day for all of our lives as citizens of a country we love.  Democracy, after all, is never a finished project.   ***Neric Acosta, environmental advocate and professor of public policy, was congressman of Bukidnon from 1998-2007 and Liberal Party senatorial candidate in the Aquino-Roxas ticket.
 
Jun21

EDUKASYON, DAAN NG PAG-ASA ni Neric Acosta

PAG-ASA.  Ayon sa isang teorya ng sikolohiya na binalangkas ni Erik Erikson, ang pag-asa daw ay nakaugat sa kakayanan ng isang tao na buuin ang tiwala sa kanyang sarili at sa kapwa mula sa kanyang pagka-bata, at ito ay nangyayari kung sa panahon ng kagipitan o kakulangan, gutom o sakit, ang kanyang mga pangangailangan ay natutugunan ng mga taong nakapaligid sa kanya.

 PAG-ASA.  Ito ang diwang muling binuhay sa damdamin ng bawat Pilipino matapos mahalal si Pangulong Noynoy Aquino noong nakaraang eleksyon.  Sa mahabang panahon, ang diwa ng pag-asang ito ay naging matamlay bunsod ng maraming dagok at pagkabigo na tinamasa ng ating mga kababayan, una na dito ang pagkawala ng ating tiwala sa mga taong inakala nating uunahin ang bayan bago ang sarili.  Subali’t dahil na rin sa kabutihang-loob at kabayanihan ng marami sa atin, hindi tuluyang naglaho ang diwa ng pag-asa.  Bagkus, ito ay lalong nabuhay at sumigla nang atin muling pinatunayan na sa harap ng karahasan at katiwalian, hinding-hindi tayo papayag na ang ating karapatang pumili ng ating mga lider ay muling pigilan sa pamamagitan ng pandaraya.

 PAG-ASA.  Ito rin ang diwang nagtulak sa bawat kabataan ng tahakin nila ang landas tungo sa kanilang mga paaralan nitong nakaraang linggo.  Sa kabila ng limitasyon sa budget sa edukasyon, na atin muling nasaksihan sa mga nagsisiksikang klasroom, sa mga luma at sira-sirang aklat, upuan, at blackboard na bumati sa ating mga mag-aaral, tunay na nakabubuhay ng pag-asa ang kasipagan, pagtitiwala, at pagtitiyagang muling ipinakita ng ating mga kabataan at ng kanilang mga magulang at guro upang makamit ang edukasyon na sadyang nagiging mailap para sa marami sa atin.

 Ang lahat ng suliraning ito sa edukasyon ay batid ng papasok na administrasyong Aquino, at para kay Pangulong Noynoy, ang edukasyong may kalidad ang isa sa mga pangunahing programang isusulong sa kanyang anim na taong panunungkulan.  Binalangkas ni Pangulong Noynoy at ng kanyang mga kasama ang kanyang plataporma para sa edukasyon, na tinawag niyang 10-Point Education Reform Agenda, kung saan inilahad ang kanyang mga pangunahing proyekto upang lalong pag-ibayuhin ang edukasyon.  Kapansin-pansin dito ang mithiin ng administrasyong Aquino na bukod sa makapagpatayo ng mas maraming paaralan, bigyang suporta ang pribadong sektor na katuwang ng pamahalaan sa edukasyon, mapalakas ang sistema ng technical vocational education, at mapasimulan ang malawakang mga pre-schools para sa lahat, nais bigyang pansin ng administrasyong Aquino ang pagpapahusay sa kakayahan ng ating mga mag-aaral sa pagbabasa, sa agham at sa matematika.  Alam nating mababatid lamang ito kung tama at maayos ang pagkakasulat ng mga aklat na pinag-aaralan ng ating mga kabataan, at mahusay ang magiging pagkakaturo sa mga ito.  Kapansin-pansin din na binigyang halaga ng administrasyong Aquino ang ating mga kababayang Muslim nang kanyang isama sa kanyang plataporma ang kahalagahan ng edukasyong Madaris.

  Tunay na mabigat ang mga hamong kinakaharap ng administrasyong Aquino sa larangan ng edukasyon, at hindi ito agad-agad na maisasakatuparan.  Subali’t tulad ng sambayanang Pilipino na buong-buo ang pag-asa sa isang bagong kinabukasan, ganoon din naman ang taglay na pag-asa ng administrasyong Aquino na sa kanyang pagpupunyagi upang maisakatuparan ang kanyang mga programa, makahubog tayo ng isang henerasyon ng mga kabataan na magiging sandigan ng sambayanan at magiging tunay na pag-asa ng bayan sa hinaharap.  Ang tagumpay ng isang bansa ay nakasalalay hindi lamang sa mga lider ng pamahalaan, kundi nasa kamay ng bawat isang mamamayan na nangangarap at kumikilos upang mapabuti hindi lamang ang kanyang sarili kundi ang kanyang pamilya at bayan.  Dahil dito, lubhang mahalaga ang ating pagkakapit-bisig, pakikiisa at pakikilahok upang maisakatuparan ang edukasyon na nararapat lamang na makamit ng ating mga kabataan.

 PAG-ASA.  Ang edukasyon ay isang kayamanang hindi mawawala kailanman, at sa kasalukuyang kalakaran hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo, ang pagkakaroon ng isang de-kalidad na edukasyon ay puhunan hindi lamang upang mapabuti ang sarili, kundi ang lipunang ginagalawan.  Ang edukasyon ay tunay na magpapalaya sa atin sa ating kamangmangan at kahirapan.  Higit pa dito, magiging daan din ito upang mabatid natin na magkakaroon lamang ng kaganapan at kahulugan ang ating napag-aralan kung ito ay gagamitin natin sa paglilingkod sa bayan.  Tunay nga na buhay ang diwa ng pag-asa kung makabubuo tayo ng isang henerasyong may tiwala at tunay na pag-ibig sa bayan dahil sa edukasyong humubog sa kanya.  *

 

 

 
  • «
  •  Start 
  •  Prev 
  •  1 
  •  2 
  •  3 
  •  4 
  •  5 
  •  6 
  •  7 
  •  8 
  •  9 
  •  10 
  •  Next 
  •  End 
  • »
Page 1 of 35

Teacher Neric Gallery

Featured Video


More Videos

Teacher Neric's Jingle

There seems to be an error with the player !

Like it? Share it!

Updates





Visit The LOBBYiST for more articles.

Liberal Party

The official website of the Liberal Party.

NoynoyAquino.ph

The Official Website of Sen. Noynoy Aquino III

MarRoxas.com

The official website of Sen. Mar Roxas.

Volunteer for Noy's Campaign

Volunteer for Noynoy Aquino's campaign.